Habol-Bus Gang

Thanks Google!

Isa sa pinaka-ayaw kong feeling sa mundo ay ang feeling ng pagluwas ng sobrang aga!

Una. Ayokong gumigising ng sobrang aga kasi late ako natutulog.
Pangalawa. Mahirap magcommute ng walang araw kahit na umaga na.

Kaso may mga pagkakataon talagang wala kang choice kundi gawin yun.

Isang umaga, aalis na ako para pumasok sa 7am class ko. Buti na lang in the middle of the week kaya masmadaling sumakay ng bus.

Sakto! Pagbaba ko ng jeep...

Mukhang kilala na ko ni Manong Barker

Barker: Oh. Ayun bus na Cubao nakahinto.

Ako naman, YES! Di ko na kailangan maghintay At ES pa! Naiz! Mukhang sinuswerte talaga ako! PERO...

Nung andun na ako sa bandang likod ng bus biglang umandar. Sa loob ng.05 millisecond inisip ko kung hahabulin ko o magiintay ako. Pinili kong habulin. Kaya ayun, hinabol ko!

Feeling San Chai ako ng Meteor Garden. Pero wala akong Dao Ming Zu na hinabol sa bus at wala akong dala-dalang oranges, at hindi ako tangang nadapa!

Yes! Nakasakay ako. Salamat sa flats ko galing Avon at sa mga lalaking sumigaw para huminto ang bus. :) 

1 comments:

Post a Comment