Janina Master Chef

This past few days, ako ang tumatao sa kusina namin. In short I'm heading the kitchen. In other words, cook ako. Napakaganda talagang opportunity nito since meron na akong pwedeng idagdag na skill sa resume ko. Para kapag nag-apply akong girlfriend ni Xian Lim, tanggap agad! haha.


First on the list is:

SINIGANG.
Ang sinigang ay maasim na soup-based food. Pwede itong sahugan ng isda, baboy, o hipon. Pwede ring luto sa tamarind or bayabas. Kaso ayoko nung bayabas kasi mabaho--amoy tokpu. Pero ang niluto ko ay combination ng Baboy at Tamarind. Just the way I like it!


Successful naman yung pagkakaluto ko. Tinanong ko kasi yung katulong namin habang kumakain sya, "Anong pangalan mo, Kuya?" tas di na nya maalala yung pangalan nya sa sarap nung luto ko!

Second on the list: 

SINAMPALUKAN
Naging malaking challenge sa akin ang pagluluto nito dahil sa...



eekeeydeeepeekeedeeeboo! BLOOD. Nung nakita ko palang yung dugo na sa supot gusto ko nang himatayin. Pasensya naman ha, beauty lang talaga ang malaVampire sa akin. Hindi appetite. Pero kailangan ko talagang ma-overcome ang takot ko para magustuhan ni Papa Xian. Sa huli, nasa dugo pa rin ang halakhak, sayang nga lang at di nito kayang tumawa. :)) So pagkalipas ng ilang minuto...


Ansaveh ng dugo? DVD Ma'am. DVD Ser. Wala BETAMAX lang. hihihi.


Paggigisa talaga ang favorite part ko ng pagluluto kasi ang bango ng amoy! Amoy palang ulam na! Sana nga pwedeng kainin yung hangin para lahat busog.


 Medyo tumaas na yung tolerance nung katulong namin sa sarap ng luto ko. Nung tinanong ko sya habang kumakain, "Kuya anong pangalan mo?" "Ako si Janina." Ay namp*ta. haha. Aagawan p ako ng pangalan! Hirap talaga ng masarap ang kinakain, kung anu ano nasasabi.

Third on the list:

HOTCAKE and KIKIAM
Weird na combination pero pagnatikman mo na, PANALO!



May malaking feeling talaga ako na may future ako sa hobby ko na 'to. Pagnatikman ni Papa Xian yung mga luto ko tiyak na di lang nya ako tatanggapin as girlfriend pero wifey na for sure! haha. Di lang 'yon baka pag-agawan pa nila akong dalawa ni Ramon Bautista. hihi.

Ikaw, gusto mo rin bang matikman 'yung luto ko? Sige. Pero bili ka munang bra't panty. hihi


1 comments:

  1. zomreyes said...:

    lovin' the LEGIT UNDIES LOGO!

Post a Comment